hello po. me question lang po ako. kasi po nagkaprblema yung kapatid ko sa japan. naghiwalay sila ng husband nya hapon kasi sinaktan sya nito. mga two times na ata. then inaway din ate ko ng mother nung asawa nya. pinalayas sya. naiwan po yung anak nya na girl 4 years old dun sa husband nya. ngyon nakatira sya sa frend nya ayaw ibigay nung lalaki yung anak nya. anu po ba pinaka best gawin ng ate ko? wala nmn po kasi sya enough na pera para lumaban. gus2 ng asawa nya magkabalikan sila nagkausap na sila pero malabo na daw po sila magkabalikan nung asawa nya. ayaw po kasi umalis nung asawa nya sa poder ng mother nya na nde kasundo ng ate ko kasi iba nga daw po ugali.. sinisiraan ang ate ko sa asawa nya pati na sa mga kapitbahay nya.. please need ko po advise nyo.. nag aalala po ako sa ate ko dun ngyon.. nde na rin po ako nakapunta dun kasi nagkaproblema nga po. please help.. salamat.
tanong lng po... need help
dear alam mo kasama sa sakripisyo natin ang mga byana natin,ako kasama ko rin ang mga inlaws ko,wala akong pakialam dahil anak nila ang pinakasalan ko at hindi sila,kung ayaw nila sa akin wala rin akong magagawa dahil kahit nga hapon hindi nila makakasundo tayo pang mga foreigner,kaya lang mag titiis tayo para sa mga anak natin ,maliit pa ang anak mo,kaya if i were u mag titiis muna ako,para sa anak ko.buti nga ikaw twice lang nasapak ng asawa mo samantalang ako sa 20 yrs namin mag kasama siguro 10 times,hanggang sa dumating ang time na hindi ako nakatiis nakipag divorce ako legally,pero ng mag aral ang anak ko sa doon na nagstart ang problema ko,nag hahanap sya ng ama dahil pag may occasion nakikita nya ang ibang bata na mag ama,so talagang maiiyak ka na lang sa sakit ng loob non,buti na lang at inoperan ako ulit ng asawa ko na mag saikon kami<reconsiliation>so nagpakasal kami lit para sa mga bata.Ewan ko kung makakatulong sa iyo ang naging experience ero make up your mind dear,para sa bata na lang,remember ulirang ina tayo
Tama si Summer girl:) .Sabihin mo sa sis mo na bigyan nya ng chance uli ang asawa nya,alang alang sa anak nya. Ako rin 12 yrs. ko nakasama ang mga byenan ko.Sa umpisa talagang nahirapan ako. Pero malaking tulong din ang nagawa ng mga byenan ko dahil tinuruan nila ako ng mga bagay na di ko pa alam dito sa japan.Di rin namin maiwasan ang mag away ng byenan ko, pero natural lang iyon. Sabihin mo sa sis mo na pakisamahan din nya yung mga byenan nya, konting tiis lang...kasama naman yan sa pag aasawa di ba..:)
Wala tayong magawa sa nangyayari ngayon sa sister mo,.Kung ako nga naranasan ko narin na maglayas,daladala ko pa ang anak ko,.pero tayo pa rin ang talo,dahil hindi natin lugar ang Japan ,kaya kailangan din na makisama sa kanila,.Ako halos 12 yrs na rin akong nag tiis ,maraming beses narin akong naglayas,pero ano ang nangyari,nagkautang lang ,dahil nag try akong mag-isang mabuhay ,pero kulang din ang kinikita ko hanggang nagkautang,.Kaya kung alanganin lang din sa kapatid mo na makipaghiwalay sa asawa nya,wag na muna,dahil sya parin ang talo sa bandang huli,.dapat maging wise tayo sa kanila,wag magpatalo,sa byenan ,andyan yan ,cguro nakakatulong din naman nyan sa loob ng bahay d ba?Sa akin,sya lahat ang gumagawa lahat sa bahay,hinahayaan ko syang sya lahat hanggan magsawa kung kailan man...:D Kaya ang ginagawa ko patay mali nalang ,kain kung may pagkain,kung wala ,d kumain sa labas...:cool: Wag nyang masyado dibdibin ang byenan,kunting panahon nalang yan...Ako nga hanggang ngayon lang ang byenan ko ang humahawak ng sueldo ng asawa ko,pero dahil may trabaho naman ako,kaya ko bilhin kung ano ang gusto ko,atleast hndi kana mag-isip ng matirahan mo,.gastos lang yon,kasama mo pa ang anak mo,di ba?kool lang ang sis mo,malagpasan nya rin nyan,magsawa din sila heheheh..Sana makayulong sa sis mo ang advice ko.
ako ganyan din ang problem hanggang ngayon tinik sa lalamunan ko ang selosa kong byanan kaya ng maglayas ako sumama ang asawa ko lumayas kaming pareho sa poder ng nanay niya ang ginawa ko lang pinakita ko sa asawa ko ang pangit na ugali ng byanan ko kasi ang ugali ng byanan ko pag nasa bahay ang jowa ko napaka baiit nya sa akin kaya pag nagsumbong ako sa asawa minsan di niya ako pinaniniwalaan kaya ang ginawa ko bumili ako ng voice recorder at naglagay ako ng maliit na hiding camera tinago ko sa may halaman na kuha ang buong kabahayan at naglagay ako ng recorder sa telepono habang kausap niya ang isa pa niyang anak at nagsusumbong siya na ayaw daw niya sa akin at gagawa siya ng paraan na mapahiwalay sa asawa ko lahat iyon nai tape ko presto pina dinig ko sa asawa ko pati yung video pinanood ko nakita niya kung paano ako tinatrato ng nanay niya pag wala siya eh di natauhan ang asawa ko lumayas kami sa bahay nila umupa kami ng ibang bahay ngayon happy family kami at ang byanan ko ang nakikiusap na minsan pumasyal daw kami sa kanya dahil na biyuda na siya last year lang ayoko na no way .
Tama yung mga sinabi nila pagtiisan muna nya yung biyanan nya. Tutal di naman nya habang buhay makakasama yan. Kasama na talaga yung tiis at pakikisama sa buhay may asawa lalo na kung makakasama mo pa sa bahay ang mga biyanan. Ako 3 years ko din nakasama mga biyanan ko, oo mabait nga pero may ugali rin talaga. Ako sa sarili ko di ko masabi na naging mabuti akong manugang para sa kanila, pero ganun talaga kahit sinong tao na nabubuhay dito sa mundo may ugali talaga. Ako noong kasama ko biyanan ko lagi ko iniisip ganon talaga kasi nagkakaidad na at medyo nag-iinarte na rin. Pabayaan at may kasabihan kung ano tugtog dapat iyon ang sayaw. Tungkol naman doon sa asawa ng ate mo, di naman yata maganda yung manakit. Pero kung humihingi naman ng sorry yung asawa bakit di patawarin. At sana next time di na maulit, may kasabihan tayo na "Di tayo isinilang dito sa mundong ibabaw para lang gawing punching bag". Masarap nga yung nakabukod kaso kung di naman kaya mahirap. kaya sabihin mo sa sister mo konting tiis muna para sa anak nya. Hirap din yung walang makilalang ama yung anak nya. Huwag kamo sya susuko kaya niya yan. Kung may Computer sya sa bahay nila, sabihin mo sa kanya tambay sya dito para makalimot sa problema nya sa biyanan nya. Goodluck sana maganda kalabasan ng decision ng ate mo:D
Share ko lang ang case ng friend ko at kapitbahay ko rin.May isa syang anak. Sinaktan din siya ng asawa nya, may mga bruises talaga at blackeye. Umalis sila sa bahay ng asawa niya na wala talagang pera at pinatuloy naman ng isa naming kaibigan at kapitbahay ko rin. Ang ginawa namin, dinala naman sa City Hall at nakita talaga ng taga City Hall yong mga bruises at sinabi rin ng kaibigan ko na di lang physical abuse ang natikman nya kundi emotional abuse rin. Binigyan agad sya ng lawyer na free at di na siya pinauwi. Dinala sya deretso sa shelter for battered wives. Siguro mga 3 weeks sya doon at lilipat na sya sa isang apartment na may ka-share din syang Filipina the same case rin ng friend ko. Binigyan din sya ng trabaho at may matatanggap daw sya sa City Hall every month. Sinulatan na rin ng City Hall ang asawa niya para managot sa ginawa nya sa friend ko. Kailangan din nating magtiis para sa mga anak natin,pero kailangan din nating mahalin ang sarili natin at huwag nating hayaang abusuhin nalang tayo ng mga asawa natin. I was once a battered wife 12 years ago with my first husband. Pero di ko na pinalampas, kasi naniniwala ako sa kasabihan na pag sinaktan ka ng isang beses,paulit-ulit na yan. Mahirap bumangon sa umpisa pero malalampasan din ang hirap pag magsipag at magtiyaga.
May mga points lahat ang advice nila. Personally, advice ko din na try ng sister mo na pakisamahan ang kanyang biyenan.Magulang siya ng asawa nya so given na i-render niya yung respeto sa kanila kahit anupaman ang ugali nila. Pero,hindi ako sang-ayon sa pananakit ng asawa niya sa kanya. I would never,therefore,advi se her to give him another chance. Respect is lost when there's beating. It's not love when violence has been done. Yun ay personal na opinyon lamang. Just wait for others' advice. I just hope masettle ng sister mo lahat ito. And for you and the others who cares ( I do) , we can try prayers.It never fails.
sa inyong lahat maraming salamat po sa advice... sasabhin ko po yan sa sis ko pag tumwag sya.. nag alalala rin ksi kami tlga.. lalo na sa pamangkin ko na sanay sa ate ko.. sabi ng ate ko pumayat na daw yung anak nya.. wala computer si ate sa bahay. salamat uli. nde nga ako nagkamali na mag join ako dito.. malaking tulong po kau lahat. salamat.. :)
hindi lang mga manugang na pilipina ang nakakaencounter ng problema sa mga manugang na haponesa,pati nga haponesang manugang din,ang iba ay hindi rin nila makasundo ang mga byenan nilang haponesa,kahit sabihin pang magkalahi sila:rolleyes: ,yung dating anak ng shacho ko,may manugang din silang haponesa,nag gagambateru pa yun,tumutulong sya sa negosyo ng mga byenan nya,as in hard work talaga,pero kahit nag gagambaro sya,urusay pa rin daw mga byenan nya:rant: ,kaya hayun,hindi rin nakatiis nakipaghiwalay din sya sa anak ng shacho namin,:( ,syempre ang asawa nya,yun pa rin,mas pinili sila shacho at mama,ikaw ba naman maging tagapagmana ng kaisha:confused:
Example Unordered List
Cross-country...Re-entry
magtatanong lang po
help naman pls.
visa to work in japan
tanong lang po,..........
magtatanong lang po sana..
Looking for a Born Again C
Temporary Visa To Working
Visiting Relative visa to
