good day to all.... mag tatanong lang po ako sa lahat ng pilipino na may asawang haponesa na may anak na nandito sa japan....tanong ko lang kung kaninong apiliyido ang ginagamit ng anak ninyo?.....
thanks in adavance:)
:wavey: kung married ka sa husband mo,automatically surname nya ang gamit ng bata kasi pagka deliver mo sa baby mo in 2 weeks time your baby must register na kasi sa city hall.:mushy:
thanks sa reply dakila... pero.. ako po kasi ang husband tapos wife ko is japanese... :)
sa akin apelyido ko ang gamit ng mga anak ko. Katakana ang ginagamit nilang apelyido ko pati ang Mrs. ko apelyido ko rin ang dinadala.
Hi! wes, nice to meet you here
If your are married to your japanesewife kailangan ma-change muna yung maiden name nang wife sa family name mo( if you're a husband) sa city hall, of course naman di ba?
Then yung apilyido nang husband ang gagamitin ng bata di ba? Kahit saan namang bansa apilyido nang husband and ginagamit basta legal ang kasal nang mag asawa. Maliban na lang kung ayaw gamitin yung surname ng tatay.
Or kung hindi pa na-change yung maiden name(japanese wife) eh japanese surname ang gagamitin ng bata sa ayaw mo't hindi:)
Ako ang nakapantalon kaya syempre gamit ng misis ko at ng anak ko ay apilido ko. Marami akong narinig dati na mahusay daw na gamitin ang apilidong Hapon lalu na para sa anak kung dito maninirahan pero sa case ko ay walang naging problema sa paggamit nila ng apilido ko. Marami siyang kaibigan sa school at kumakasa rin talaga yung anak ko kaya mas lalong walang problema. Si misis din ay hindi pa naman nagkaroon ng problema sa trabaho niya dahil sa apilido ko. Dati ay may bumiro sa misis ko sa apilido ko at hindi ko ito pinalampas... kaya siguro wala ng problema :D
Karamihan sa mga malapit kong kaibigan ay mga old fashion at matatandang Hapon at hindi sila sasangayon kung hindi gagamitin ng pamilya ko ang apilido ko. Ganyan din naman ang nga katropang dayuhan na lahat ay dala ang apilido ng tatay. Hindi kami chauvinists (???) pero ang rule naming sinusunod ay: Ang apilido ay sa tatay at ang pera ay intrega kay nanay :D
first of all thanks for replying everyone............ ..damn:mad: ... naloko ako ng nanay niya ahh.....sabi is ako raw kasi ang pumasok sa family registry nila kaya ang apilyido nila ang gagamitin sa anak ko... nung tumawag naman ako sa embassy sabi naman ng sumagot ganon daw yun.... damn...:mad: ... kung hinde mapalitan ang apilyido ng misis ko... hinde mapalitan ang apilyido ng anak ko....teka pwede pa bang mapalitan yun apilyido ng misis ko??? maski one year na kaming kasal??....damn...na gtampo pa naman ng parang bata ang papa ko ng pag kasabi ko sa kanya tungkol dito.... damn!
Im not sure pero sa pagkakaalam ko hindi na yata pwedeng mabago..lalo na at nakarehistro na sa kosekitohon nila..idadaan mo pa sa saiban..depende sa reason kung ma ga grant..yun isang kaibigan kong filipino gamit nya sariling apelyido nya ..tapos un mga anak nya apelyido ng japanese wife nya..parang ang gulo..:confused::con fused:
Tanong lang ha..please dont mind my asking...gaano ba talaga ka importante sa lalaki yun pag gamit ng Surname..? im just curiuos about it kasi ako eversince ayaw ko ng apelyido ng mom ko or ng dad ko..kahit yun name ko..sana ako na lang pinapili nila...gusto kong gumawa ng sarili kong pangalan...:D
thanks sa reply dakila... pero.. ako po kasi ang husband tapos wife ko is japanese... :)Hi there wes, Ang pagkakaalam ko ay ang apelyido ng Japanese ang masusunod.Pero kung halimbawa ang asawa mo ay sumunod sa apelyido mo ang apelyido ng asawa mo (which is your surname) ang gagamitin ng bata.Pero kung hindi siya sumunod sa apelyido mo ang original niyang apelyido ang gagamitin ng bata(kung Tanaka ang maiden name niya iyon ang magiging surname ng bata).:D In my case,noong ikinasal kami ang apelyido ko ang sinunod ng misis ko kaya ang apelyido ko(na siyang naging apelyido ng misis ko)ang naging apelyido ng anak namin.:)
dalawang klase kasi ang settlement dito ng japanese or non japanese,na asawa ng haponesa,kung mukosang ka at living with your in laws susundin mo ang apelyido ng asawa mo at kung sepa rate naman kayo ng tirahan at ikaw ang provider ng pamilya mo,they should fallow your surname.Sana naka tulong sa iyo ito para ma ease ang feeling mo.Gambatte
Sa akin naman, desisyon naming mag-asawa na ang mga surname ng misis ko at mga anak ay yung sa misis ko. Unang-una sa lahat, sa koseki tohon ni misis ay siya ang lumalabas na head of the family. Wala naman problema, in fact, I think mas maganda para sa mga anak ko yun para tuluyan silang maka-blend in sa escuelahan nila. Maraming iijime na nangyayari sa escuelahan lalo na kapag ang isang bata ay half japanese.
dalawang klase kasi ang settlement dito ng japanese or non japanese,na asawa ng haponesa,kung mukosang ka at living with your in laws susundin mo ang apelyido ng asawa mo at kung sepa rate naman kayo ng tirahan at ikaw ang provider ng pamilya mo,they should fallow your surname.Sana naka tulong sa iyo ito para ma ease ang feeling mo.Gambatte
Kasama ko ang biyenan ko sa bahay at dati ay hindi ako ang head ng pamilya kundi ang biyenan kong lalake pero apilido ko ang gamit ni misis. Dalawa ang apilidong nakalagay sa post box. Ngayon ay ako ang head ng pamilya at dalawa pa rin ang apilido ng bahay. Yung sa biyenan ko ay ang apilido nila at ang apilido ko ay sa pamilya ko.
Ibat-ibang case ang meroon. Meroon ayaw talagang bitawan ang apilido nila dahil sa mapuputol ang history ng apilido, meroon din na dahil puros babae ang anak nila at walang magpapatuloy ng apilido nila, meroon namang ampon ang case, at isa naman sa ka tropa ko na tatanga-tanga ang misis niya nung mag file ng papeles sa kasal at naisulat yung dating apilido niya at ngayon ay nagbabalak magpalit ng apilido ng asawa niya.
Tungkol naman sa kosekitohon ay syempre foreigner ako kayat wala akong kosekitohon. Yung kosekitohon ni misis ay binanggit lang na ako ang asawa niya (pero hindi ako kasama). Yung anak ko ay kasama sa kosekitohon niya.
Yung dati kong asawang Ponesa ay iba-iba kami ng apilido. Puros babae rin kasi sila at panganay rin yung anak nila (I love panganays :D ) kaya pumayag akong iba-iba ang apilido namin at tatanga-tanga pa ako nuon. Bago ako nagpakasal ulit dati ay nagdesisyon ako na kung sino man ang pakakasalan ko ay kailangang apilido ko ang gagamitin o hindi ako magpapakasal.
Pwede raw palitan ang apilido pero medyo kailangan ng leg work at paper work. Kailangan din makipag-usap sa kaitei saiban para malaman nila ang dahilan kung bakit kailangang magpalit ng apilido o pangalan.
FiripinjinSa akin naman, desisyon naming mag-asawa na ang mga surname ng misis ko at mga anak ay yung sa misis ko. Unang-una sa lahat, sa koseki tohon ni misis ay siya ang lumalabas na head of the family. Wala naman problema, in fact, I think mas maganda para sa mga anak ko yun para tuluyan silang maka-blend in sa escuelahan nila. Maraming iijime na nangyayari sa escuelahan lalo na kapag ang isang bata ay half japanese.
Sarili rin ng misis ko ang kosekitohon niya at hindi naman tayo (foreigners) papasok sa kosekitohon niya kundi ay isusulat o babanggitin lang ang pangalan natin na sa atin nagpakasal yung babae. Dahil nga foreigner ay may sarili tayong gaikokujin toroku sho na masasabing kapareho ng juminyo o koseki tohon. Ewan ko at baka mali ang aking akala pero iyan din ang sinabi ng lawyer (dating nobya hehehehe...)
Siguro nga ay marami ding ijime na nangyayari sa iskwelahan lalo nat kapag half yung bata pero sa case naman namin ay walang problema. Kinakausap ko yung mga titser niya at alam nilang hindi namin palalampasin ang anong mang ijime sa anak ko. OK lang na mag-inisan o magtuksuhan pati na rin magsuntukan ang mga bata pero walang ijime. Dahil din dito ay kinokontrol ko rin ang anak ko dahil ayoko rin na siya ang maging ijime. Asar ako sa ijime kayat kinokontrol ko ang anak ko dahil wala man akong problema na ma ijime siya pero ang kinakatakot ko ay yung maging ijime siya.
Basta friendly ka sa mga bata, magulang at sa iskwela ay wala naman sigurong dapat ipangamba at sa tingin ko na importante rin na alam nila na hindi ka lambutin at hindi ka aatras at alam nilang hindi mo sila titgilan pag inasar nila ang anak mo. Yun nga lang ay dapat kontrolin ang bata lalu nat pag alam niyang maraming handang magprotekta sa kanyang mga Hapon at dayuhan ay baka medyo lumaki ang ulo na hindi rin mahusay. Ang pinaka sikreto ko ay sweet and loving parati ako sa mga nanay at titser kaya kailangan ay sweet din sila sa akin :D
Tanong lang ha..please dont mind my asking...gaano ba talaga ka importante sa lalaki yun pag gamit ng Surname..? im just curiuos about it kasi ako eversince ayaw ko ng apelyido ng mom ko or ng dad ko..kahit yun name ko..sana ako na lang pinapili nila...gusto kong gumawa ng sarili kong pangalan...:D
hmmm...same lang ata tayo ng nasa isip gusto ko rin gumawa ng sarili kong pangalan ang apilyido... pero sa pangalan na parents ko sila tapos may utang na loob din ako sa kanila.. kaya no choice ako pra dalhin ang apilyido ng family ko....yun lang ang reason ko medyo mababaw nga lang...... siguro yung ibang meron din ibang reason kaya gusto nilang hinde mawala ang apilyido ng family nila.....
summergirldalawang klase kasi ang settlement dito ng japanese or non japanese,na asawa ng haponesa,kung mukosang ka at living with your in laws susundin mo ang apelyido ng asawa mo at kung sepa rate naman kayo ng tirahan at ikaw ang provider ng pamilya mo,they should fallow your surname.Sana naka tulong sa iyo ito para ma ease ang feeling mo.Gambatte
separate kami sa biyenan niya.... :(
Sa akin naman, desisyon naming mag-asawa na ang mga surname ng misis ko at mga anak ay yung sa misis ko. Unang-una sa lahat, sa koseki tohon ni misis ay siya ang lumalabas na head of the family. Wala naman problema, in fact, I think mas maganda para sa mga anak ko yun para tuluyan silang maka-blend in sa escuelahan nila. Maraming iijime na nangyayari sa escuelahan lalo na kapag ang isang bata ay half japanese
firipinjin...thanks sa reply..... same lang kayo ng sinabi ng biyenan ko nang tinawagan ko kanina.....nauwi lang kami sa sagutan... hehehe.. ako na lang ang nag pa ibaba...alam mo naman ang ugali ng pilipino.. may respeto sa matatanda hehehehe bad trip...:D .... hmm...
menduksai pala ang mag pa change pa ng apilyido... damn......go with flow na lang ako nito.....:O .. depende na lang sa akin to kung paano ko palakihin ang son ko....:cool:
TR250 thanks sa reply mo.. meron akong napulot na idea:D ... hehehe.... there is always a second chance... :devil: hehehehe...:D jk lang... loyal pa rin ako sa misis ko....:halo: (nasa likod ko ngayon eh... baka isang araw pag uwi ko wala na computer ko :crash: hehehe..)
anyway thank you very much sa lahat ng nag reply:D
The answer is mother's apelyido. (Such as Suzuki, Sato, Saito, Tanaka, Ito etc)
On condition that:
If you are legally married and she is a Japanese, most probably she still has Japanese nationality.
Then her child can be considered a Japanese whereever the child was born, if proper documentation and procedure was taken place.
Most probably you want the child to have Japanese nationality.
Then, the child must enter the Koseki (family registry) of of his/her mother.
The child can not choose his/her apelido.
It must be the same as the mother.
(Whereas the mother has 2 occasions to change(or to keep) her apelyedo, when she got married and when she got divorced.)
As for the Ijime, it's true.
I heard about it too often.
It may be too late, but better to choose a name that sounds like a Japanese name.
Never name him, for example, Sadam or Osama-bin.